Niyanig nang dumadagundong na pagputok ng kanyon ang punong himpilan ng Hukbong Katihan ng Pilipinas sa ginawang pagsalubong sa mga bagong talagang heneral sa Fort Bonifacio, Metro Manila noong ika-20 ng Enero 2023.
Pinangunahan ng Saluting Battery ng Army Artillery Regiment ang seremonya sa pamamagitan ng labintatlong putok ng kanyon sa mga bagong talagang Magat Heneral (Major General) na sina Maj. Gen. Antonio G. Nafarrete, pinuno ng 1st Infantry Division, at Maj. Gen. Audrey L. Pasia, pinuno ng 5th Infantry Division.
Samantala, labing-isang putok naman ng kanyon ang inilaan ng Saluting Battery para sa mga bagong Brigadyir Heneral (Brig. Gen.) na sina Brig. Gen. Ferdinand B. Napuli, pinuno ng Special Forces Regiment (Airborne); Brig. Gen. Oriel L. Pangcog, pinuno ng 601st Infantry Brigade, 6th Infantry Division (6ID); Brig. Gen. Perfecto P. Peñaredondo, pinuno ng 803rd Infantry Brigade, 8th Infantry Division (8ID); Brig. Gen. Lenart R. Lelina, pinuno ng 801st Infantry Brigade, 8ID; Brig. Gen. Rommel B. Almaria, pinuno ng 401st Infantry Brigade, 4th Infantry Division; Brig. Gen. Edmundo G. Peralta, pinuno ng 902nd Infantry Brigade, 9th Infantry Division; Brig. Gen. Leodevic G. Guinid, pinuno ng 1st Brigade Combat Team; Brig. Gen. Noel A. Vestuir, pinuno ng 802nd Infantry Brigade, 8ID; Brig. Gen. Francis Anthony M. Coronel, pinuno ng Army Artillery Regiment; Brig. Gen. Joel M. Paloma, assistant division commander ng 4th Infantry Division; at Brig. Gen. Michael A. Santos, pinuno ng 603rd Infantry Brigade, 6ID.
"Ang pagiging heneral ay patunay ng inyong kahusayan at dedikasyon sa inyong sinumpaang tungkulin bilang mga pinuno ng ating hukbo," saad ni Lt. Gen. Romeo S. Brawner, Jr., punong heneral ng Hukbong Katihan ng Pilipinas. “Aking hinahangad na ang inyong mga bagong ranggo ay magsisilbing motibasyon upang inyong pag-ibayuhin ang paglilingkod sa ating hukbo at sa ating bayan,” dagdag pa ni Lt. Gen. Brawner.
Photos by Staff Sergeant Cesar P Lopez PA/ OACPA