Bumisita sa Joint Task Force Central at 6th Infantry (Kampilan) Division si Lieutenant General Bartolome Vicente Bacarro, Chief of Staff, Armed Forces of the Philippines umaga nitong Setyembre 15, 2022.
Si Lt. Gen. Bacarro ay malugod na tinanggap ni Major General Roy Galido, Commander ng JTF Central at 6ID kasama ang iba pang opisyal, enlisted personnel at mga kawani ng Kampilan Division.
Sa pagbisita ng CSAFP, kanyang ibinahagi sa kanyang “Talk to the Troops” ang kanyang pananaw para sa military organization na nakaangkla sa panawagan ng Pangulong Ferdinand Marcos para sa pagkakaisa (UNITY) na acronym ng kanyang priority thrusts bilang Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines.
Ito ay, Unparalleled Professionalism, Noble Utilization of our Resources, Invigorating Capability Development, Tenacity in Sustaining Gains, Yearning for Service Excellence.
Muli nitong pinaalalahanan ang mga sundalo na gawing pinakamahusay, mahalaga at gumawa ng pagkakaiba sa mga inatasang gawain.