Mga Platoon Leaders ng 6ID, sumailalim sa Combat Proficiency Symposium

Sumailalim sa tatlong araw na Combat Proficiency Symposium ang mga Platoon Leaders ng iba’t-ibang mga line units at mga operation control na saklaw ng 6th Infantry (Kampilan) Division na ginanap sa Officer’s Club House dito sa Headquarters ng 6ID, Awang, DOS, Maguindanao mula Setyembre 20 hanggang 22, 2022.

Sa kanyang mensahe sa pagtatapos ng aktibidad, iginiit ni Major General Roy Galido, Commander ng 6ID at Joint Task Force Central na ang nasabing symposium ay bilang paalala sa lahat ng mga platoon leaders na gampanan ang trabaho ng maayos upang tumagal sa serbisyo.

Nabatid na ang taunang symposium ng mga ito ay naglalayong madagdagan ang talino, kahusayan at kaalaman ng bawat pinuno ng pulutong upang ang antas ng paglilingkod sa bayan ay patuloy na maitaas.

Pinasalamatan din ni MGen. Galido ang bawat isa na dumalo sa naturang programa bilang pagpapakita ng mga ito sa pagtupad sa kanilang sinumpaang tungkulin