Apat na mga Civilian Human Resource Personnel ang nakatanggap ng parangal mula sa pamumuno ng Hukbong Katihan ng Pilipinas kasabay ng ika-122nd Philippine Civil Service Anniversary hapon nitong Martes, Setyembre 20, 2022.
Pinangunahan ni Philippine Army Commanding General (CGPA) Lieutenant General Romeo Brawner Jr. ang programa sa pamamagitan ng onsite at virtual teleconference na dinaluhan ng mga iba' ibang kawani ng Headquarters Philippine Army at ng Philippine Army Major Units.
Bilang representante ng CGPA, si Major General Roy Galido, Commander ng Joint Task Force Central at 6ID ang nagbigay ng plaque sa mga awardees.
Tinanggap ni Mr. Tito Carpuente Jr. ng OG7, 6ID ang Plaque of Recognition bilang CSC-PA Best Civilian Human Resource dahil sa extra ordinary performance nito at nagpakita ng huwarang ethical behavior sa Philippine Army ngayong taon.
Loyalty Service Awards naman ang tinanggap nina Ms. Almarita Catulong, RN Nurse II, Ms. Fe Angeles Suarez, RN Nurse I at Ms Nelia Aranas, Nursing Attendant I ng Camp Siongco Station Hospital (CSSH) matapos kilalanin ang kanilang patuloy na pagseserbisyo sa loob ng 31 taon sa 6ID,PA simula taong 1991.