CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Sumuko ang dalawang myembro ng Communist Terrorist Group sa kasundalohan ng 37th Infantry (Conqueror) Battalion sa Sultan Kudarat Province hapon nitong Myerkules (January 18, 2023).
Nakilala ang dalawa na sina alyas Rose/Narda myembro ng executive committee ng SRC Daguma, FSMR at alyas Jimboy kasama ang myembro ng RSDG, FSMR. Dala ni alyas Rose/Narda ang isang .45 caliber pistol sa kanilang pagsuko.
Nagdesisyon silang bumaba at sumuko sa 37IB dahil sa kahirapan at pressure dala ng patuloy na pagsasagawa ng focused military operations at serye ng mga enkwentro ng CTG sa government forces ayun ka Lieutenant Colonel John Paul Baldomar, Battalion Commander.
“Nagresulta na rin sa pagkakasawi ng iilan nilang matataas na lider at nagkukulang na rin ang kanilang financial support mula sa liderato ng FSMR. Naging epektibo din ang Community Support Program natin sa mga sitio na may mass base ng CTG’s”, dagdag ni Lt. Col. Baldomar.
Nasa pangangalaga ngayon ng 37IB ang dalawa at nakikipag-ugnayan na rin sa Local Government Unit ng Kalamansig para sa inisyal na suporta ayun kay Col. Michael Santos, 603rd Infantry (Persuader) Brigade Commander.
“Ang pagsuko ng CNT ng SRC Daguma, FSMR ay indikasyon sa patuloy na pagbagsak ng nasabing grupo. Dahil ito sa walang humpay na operasyon ng 37IB at 603Bde laban sa SRC Daguma at ROC FSMR”, ayun kay Col. Santos.
Pinuri naman ni Maj. Gen. Roy Galido, 6ID Commander ang operating troops para sa mapayapang pagsuko ng dalawang CNT na gustong mamuhay ng normal.
“The government remains open in welcoming NPAs who wish to peacefully surrender and seek normal lives with their families”, dagdag ng 6ID Commander.