CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Dalawang pampasabog na may timbang sa higit apat na kilo ang isinuko sa tulong ng dalawang dating rebelde na sumuko sa Sitio Kle-eng, Barangay Tbolok, Tboli, South Cotabato nitong Myerkules ng hapon (January 18, 2023).
Ang dalawang anti-personnel mines ay may sukat na 10.8 centimetre diameter, 24.15cm ang haba at 2.25 kilo ang bigat bawat isa ayun kay Lieutenant Colonel Carlyleo Nagac, Battalion Commander ng 5th Special Forces Battalion.
“Natunton natin ang dalawang isinuko na mga pampasabog sa tulong nina alyas Rayo at Baby John na dating mga pinagkakatiwalaan ng CTG at nagbalik-loob sa pamahalaan”, dagdag pa nito.
Lubhang mapanganib hindi lamang sa mga kasundalohan pati na rin sa mga sibilyan kung tuluyang gagamitin ito ng mga CTG sa kanilang masasamang plano ayun kay Brig. Gen. Pedro Balisi Jr. ng 1st Mechanized Infantry Brigade.
“Patuloy tayong naka-monitor sa mga aktibidad ng CTG’s sa ating area of operation para mabawi ang kanilang mga loose firearms at explosives at mapigilan itong gamitin laban sa tropa ng gobyerno at walang madadamay na sibilyan”, dagdag ni Brig. Gen. Balisi.
Ikinagalak ni Major General Roy Galido ang naging bahagi ng former rebels sa pagkakabawi ng dalawang pampasabog. Nananawagan rin ito sa mga natitirang CTG’s na patuloy nalilinlang ng baluktot na paniniwala na bumaba at sumuko alang-alang sa kanilang pamilya.
“Maraming programa ang National at Local Government na nakalaan para sa inyong pagbabagong buhay. Nawa’y maisip ninyo ang inyong pamilya at hindi ang baluktot na ideolohiyang pinaglalaban ng inyong mga lider”, mensahe ni Maj. Gen. Galido.