CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Patay ang isang Deputy Secretary ng Communist Terrorist Group at isang kasamahan nito sa isang Focused Military Operations sa Barangay New La Union, Maitum, Sarangani Province umaga nitong Myerkules (January 18, 2023).
Ayun kay Lieutenant Colonel Rey Rico, 34th Infantry (Reliable) Battalion Commander, tumagal ng sampung minuto ang operasyon na nagresulta sa pagkasawi nina Arnold Laugo Amad (alyas Kempee Maguan at alyas Bambam), 2nd Deputy Secretary ng Guerrilla Front Musa ng Far South Mindanao Region at kasamahan nitong si alyas Saysay.
“Grupo ng isang Anthony Narvasa alyas Magaw, Omar at Nomad na isang Secretary ng GF MUSA, FSMR ang naengkwentro ng ating kasundalohan. Agad na tumakas at iniwan ng teroristang NPA ang dalawa nilang kasamahan”, ayun kay Lt. Col. Rico.
Isang .45 caliber pistol ang nabawi ng tropa ng gobyerno mula sa pinangyarihan ng insidente.
Sinabi naman ni 1st Mechanized Infantry (Maasahan) Brigade Commander Brigadier General Pedro Balisi Jr., una nang nadiskobrehan ng mga kasundalohan ang pinagkampohan ng teroristang CTG sa nasabing lugar.
“Habang nagsasagawa tayo ng operasyon namataan ng ating magigiting na sundalo ang kanilang kampo na higit isang linggo pa lang nilang inabandona sa Brgy. New La Union, Maitum, Sarangani Province”, pahayag ni Brig. Gen. Balisi Jr.
Muli namang pinanawagan ni Major General Roy Galido, Commander ng JTF Central at 6ID ang natitirang kasapi ng NPA na mapayapang sumuko dahil may mga programa at serbisyo ang gobyerno na makakatulong sa kanilang pagbalik-loob.
“We urge the remaining NPA insurgents to peacefully surrender as government programs and services are available to them”, ayun kay Maj. Gen. Galido.