1 NPA at MB members, sumuko bitbit ang mga armas at gamit pandigma sa Quezon
Isang NPA at isang Milisyang Bayan members ang sumuko bitbit ang kanilang armas at iba’t ibang gamit pandigma sa Lopez, Quezon nito lamang Mayo 23.
Pinangunahan ng San Francisco at Buenavista Municipal Task Forces to End Local Communist Armed Conflict sa pamumuno nina San Francisco Mayor Romulo D Edaño at Buenavista Mayor Reynaldo Rosilla katuwang ang mga kasundaluhan ng 85th Infantry Battalion, Quezon PNP, San Francisco PNP at Buenavista PNP ang pagsasagawa ng programa hinggil sa pagsuko nina alyas Jass na resident ng Brgy Ibabang Wasay, Buenavista at dating Giyang Pampulitiko ng Platoon SOL ng Southern Tagalog Regional Party Committee’s Sub-Regional Military Area 4B at alyas Val na Milisyang Bayan member sailalim ng Platoon REYMARK at residente ng Brgy Sto Niño, San Francisco.
Isinuko naman ni alyas Jass ang isang Carbine at isang short magazine na naglalaman ng mga bala habang si alyas Val naman ay nasuko ng isang homemade Shotgun, isang Ca. 45 pistol, mga magazine.
Ayon naman kay 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division Commander Maj. General Roberto S. Capulong, “Ang serye ng pagsuko ng mga rebeldeng komunista ay isang patunay na humihina na ang mga grupong kinaaaniban ng mga ito. Nagsisimula na ring yakapin ng ating mga kababayan ang mga programang pangkapayapaan ng pamahalaan. Patuloy rin kaming nananawagan sa mga natitirang rebelde na tularan ang ginawa ng kanilang mga dating kasamahan na nagbalik-loob sa pamahalaan upang silay makapamuhay ng normal kasama ang kanilang mga pamilya.”
#JungleFighter
#KapayapaanKatahimikanKaunlaran