1 NPA, boluntaryong sumuko bitbit ang kanyang armas sa Oriental Mindoro

1 NPA, boluntaryong sumuko bitbit ang kanyang armas sa Oriental Mindoro

CAMP CAPINPIN, Rizal – Isang dating miyembro ng New People’s Army ang boluntaryong sumuko bitbit ang kanyang armas sa Gloria, Oriental Mindoro nito lamang Mayo 10.

Naging posible ang pagsuko ni alyas Ato bitbit ang isang M1 garand rifle dahil sa tulong ng mga kasundaluhan ng 76th Infantry “Victrix” Battalion at mga kapulisan ng Bansud at Oriental Mindoro PNP sa Brgy Malamig, munisipyo ng Gloria.

Si alyas Ato ay residente Magsaysay, Occidental Mindoro at dating ikalawang iskwad lider ng New People’s Army ng ICM ng Sub Regional Military Area 4D, sa ilalim ng Southern Tagalog Regional Party Committee.

Ayon naman kay 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division Commander Maj. General Roberto S. Capulong, “Kami ay natutuwa sa patuloy na pagsuko ng mga miyembro ng terorsitang NPA bitbit ang kani-kanilang mga armas. Naway maging ehemplo sa iba pang rebelde ang pagbabalik loob ni alyas Ato na boluntaryong sumuko rin para sa kapayapaan, kaunlaran at katahimikan ng ating bayan.”          

#JungleFighter
#KapayapaanKatahimikanKaunlaran