1 opisyal ng NPA, sumuko sa Oriental Mindoro

1 opisyal ng NPA, sumuko sa Oriental Mindoro

CAMP CAPINPIN, Rizal - Isang opisyal ng NPA ang boluntaryong sumuko sa mga kasundaluhan sa Oriental Mindoro nito lamang Mayo 30.

Kinilala ang sumuko na si alyas Oning na syang medical at logistics officer ng Platun Serna ng KLG MAV ng Sub-Regional Military Area 4D, Southern Tagalog Party Committee. Naging posible rin ang pagsuko nito dahil sa tulong ng mga kasundaluhan ng 4th Infantry Battalion.

Ayon naman kay 2nd Infantry Division Commander Maj. General Roberto S. Capulong, “Lubos kaming nagpapasalamat sa patuloy na pagtitiwala ng ating mga kababayan sa panawagan na kapayapaan ng ating pamahalaan kasama ang LGU’s at key stakeholders.

“Patuloy rin kaming makikiisa sa ibat ibang security sectors upang mahikayat pa ang mga natitirang NPA members na sumuko para sa magandang kinabukasan ng kanilang mga pamilya.” ani Maj. General Capulong.

#JungleFighter
#KapayapaanKatahimikanKaunlaran