2 Milisyang Bayan members, sumuko at isang CPP-NPA-NDF supporter, binawi ang suporta sa komunistang grupo
CAMP CAPINPIN, Rizal – Dalawang Milisyang Bayan members ang sumuko at isang CPP-NPA-NDF supporter ang nag-bawi ng kanyang suporta sa komunistang grupo nito lamang Mayo 2 sa probinsya ng Quezon.
Naging posible ang pagsuko at pagbawi ng suporta ng tatlong indibidwal dahil sa pangunguna ng San Francisco, Gumaca, at San Andres Municipal Task Forces to End Local Communist Armed Conflict sa pamumuno nina San Francisco Mayor Hon. Romulo D Edaño, Gumaca Mayor Hon. Webster D Letargo at San Andres Mayor Hon. Ralph Edward B. Lim kasama ang mga kasundaluhan ng 85th Infantry Battalion ng 2nd Infantry Division at mga kapulisan ng Quezon, San Francisco, Gumaca at San Andres.
Ang dalawang Milisyang Bayan members ay pawang mga residente ng Brgy Mabunga sa San Francisco at Brgy Cawayan sa Gumaca habang residente naman ng Brgy Camflora sa San Andres ang isang CPP-NPA-NDF supporter.
Nanumpa rin ang tatlong indibidwal ng kanilang katapatan sa pamahalaan kasabay ng pagkondena sa mga maling gawain ng CPP-NPA-NDF at pagbawi ng kanilang suporta at ugnayan dito.
Ayon naman kay 2nd Infantry Division Commander Maj. Gen. Roberto S. Capulong, “Ang tuloy tuloy na pagbawi ng suporta sa NPA ng mga miyembro ng mga makakaliwang grupo ay patunay lamang sa lumalagong tiwala ng ating mga kababayan sa pamahalaan. Patuloy rin kaming makikiisa sa mga pamahalaang lokal, key stakeholders at mga security partners para sa pagkamit ng pang-matagalang kapayapaan at kaunlaran sa Timog-Katagalugan.”
#JungleFighter
#KapayapaanKatahimikanKaunlaran