2 NPA, patay sa engkwentro sa Occidental Mindoro; mga armas, narekober
Patay ang dalawang miyembro ng New People’s Army matapos maka-engkwentro ang mga kasundaluhan sa Sablayan, Occidental Mindoro nito lamang Mayo 30.
Habang nagsasagawa ng focused military operation ang tropa ng 68th Infantry “Kaagapay” Battalion nang makasagupa ng mga ito ang mga armadong rebelde na pinaniniwalaang mga miyembro ng Main Regional Guerilla Unit ng Southern Tagalog Regional Party Committee sa Sitio Pasugue sa Brgy Malisbong.
Tumagal ang engkwentro ng 20 minuto na nag-resulta sa pagkakapatay kina alyas Hunter at alyas Liza habang wala namang nai-ulat na nasaktan sa panig ng tropa ng pamahalaan.
Narekober rin sa pinangyarihan ng engkwentro ang tatlong M16 rifles, 13 magazines, isang hand grenade, isang anti-vehicle mine, 5 improvised hand grenades, 50-meter wire, detonating cord, 4 na burlap, 4 na bandolier at 4 na backpacks na naglalaman ng mga personal na gamit.
Sa pahayag ni 2nd Infantry Division Commander Maj. General Roberto S. Capulong, “Parte ng aming sinumpaang tungkulin ang proteksyunan ang mga komunidad laban sa anumang impluwensya ng mga makakaliwang grupo. Hindi rin namin kailan man ikasasaya ang pagkamatay ng ating mga kababayan na nalinlang ng CPP-NPA-NDF na sumali dito.”
“Kayat patuloy kaming nananawagan sa mga natitirang NPA members na sumuko na at magpasailalim sa mga programa at benepisyo ng pamahalaan bago pa man mahuli ang lahat.” ani Maj. General Capulong.
#JungleFighter
#KapayapaanKatahimikanKaunlaran