2 SPLs at 5 Milisyang Bayan members, boluntaryong sumuko; 16 CPP-NPA-NDF supporters, binawi ang suporta sa makakaliwang grupo sa Quezon
CAMP CAPINPIN, Rizal- Boluntaryong sumuko ang dalawang miyembro ng Sangay ng Partido sa Lokalidad at limang Milisyang Bayan members kasabay ng pagbawi ng suporta ng 16 na CPP-NPA-NDF supporters sa naturang makakaliwang grupo mula sa mga bayan ng San Andres at San Francisco sa probinsya ng Quezon nito lamang Mayo 21.
Pinangunahan ng San Francisco at San Andres Municipal Task Forces to End Local Communist Armed Conflict sa pamumuno nina San Francisco Mayor Romulo D Edaño at San Andres Mayor Ralph Edward B. Lim, kasama ang mga kasundaluhan ng 85th Infantry "Sandiwa" Battalion at mga kapulisan ng Quezon PNP at San Francisco PNP, ang pagsasagawa ng programa hinggil sa pagsuko ng dalawang Sangay ng Partido sa Lokalidad members mula sa mga Barangay ng Ilayang Tayuman at Don Juan Verceles; limang Milisyang Bayan members mula sa mga Barangay ng Don Juan Verceles at Butangiad sa bayan ng San Francisco.
Samantala, nagbawi rin ng suporta mula sa makakaliwang grupo ang nasa 12 CPP-NPA-NDF supporters mula sa mga barangay ng Mabunga, Busdak, Casay, Sto Niño at Poblacion of San Francisco habang 4 naman mula sa barangay Camflora at Talisay sa bayan ng San Andres.
Nanumpa rin ang mga naturang indibidwal ng kanilang katapatan sa pamahalaan kasabay ng kanilang pagbawi ng suporta at pagkondena sa CPP-NPA-NDF sa lahat ng iligal na gawain nito.
Ayon naman kay 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division Commander Maj. General Roberto S. Capulong, “Ang patuloy na pagsuko at pagbawi ng suporta ng mga miyembro ng mga rebeldeng grupo ay isang patunay ng lumalagong tiwala ng ating mga kababayan sa kampanyang pangkapayapaa ng pamahalaan.”
“Patuloy rin kaming makikipagtulungan sa mga pamahalaang lokal, key stakeholders at security partners sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa buong Timog-Katagalugan.” ani Maj. General Capaulong.
#JungleFighter
#KapayapaanKatahimikanKaunlaran