3 miyembro ng Milisyang Bayan, sumuko sa Quezon

3 miyembro ng Milisyang Bayan, sumuko sa Quezon

CAMP CAPINPIN, Rizal - Kusang loob na sumuko ang tatlong miyembro ng Milisyang Bayan kasabay ng pagbawi ng suporta ng ito sa CPP-NPA-NDF mula sa bayan ng San Francisco at Tagkawayan sa probinsya ng Quezon nito lamang Mayo 30.

Ang mga sumukong MB members ay mga residente ng Brgy Casay, San Francisco at Brgy Casispalan, Tagkawayan na nasabing probinsya kung saan kinondena at binawi ng mga ito ang kanilang suporta sa CPP-NPA-NDF kasabay ng panunumpa ng mga ito ng katapatan sa pamahalaan.

Naging posible naman ang pagsuko ng mga ito sa tulong ng San Francisco at Tagkawayan Municipal Task Forces to End Local Communist Armed Conflict sa pamumuno nina San Francisco Mayor Romulo D Edaño Sr.  at Tagkawayan Mayor Luis Oscar T. Eleazar katuwang ang mga kasundaluhan ng 85th Infantry "Sandiwa" Battalion at mga kapulisan ng Quezon PNP, San Francisco PNP, at Tagkawayan PNP.

Ayon naman kay 2nd Infantry Division Commander Maj. General Roberto S. Capulong, “Ang patuloy na pagsuko at pagbawi ng suporta ng mga miyembro ng mga makakaliwang grupo ay patunay ng lumalagong suporta ng komunidad sa ginagawang hakbangin ng pamahalaan tungo sa pagkamit ng kapayapaan. Nananawagan rin kami sa mga natitirang rebelde na sumuko na at magbalik loob na sa pamahalaan.”

#JungleFighter
#KapayapaanKatahimikanKaunlaran