3 NPA members, sumuko sa Rizal bitbit ang isang armas

3 NPA members, sumuko sa Rizal bitbit ang isang armas

CAMP CAPINPIN, Rizal - Tatlong NPA members ang boluntaryong sumuko sa pinagsanib pwersa ng mga kasundaluhan at kapulisan sa Rizal nito lamang Mayo 11 bitbit ang isang armas.

Kinilala ang mga sumukong rebelde na sina alyas Renyo, ikalawang iskwad lider ng Platoon 2 Yunit Gawaing Masa (YGM), alyas Jaz, na isang Giyang Pampulitika ng Platoon 2 YGM at alyas Jomar, na ikalawang iskwad lider ng iskwad 1, Platoon 1, ng Sentro De Grabidad (SDG) sa ilalim ng KLG Narciso ng Southern Tagalog, Regional Party Committee’s Sub-Regional Military Area 4A.

Ang mga ito ay boluntaryong sumuko sa mga kasundaluhan ng 80th Infantry “Steadfast” Battalion at mga kapulisan ng Rizal PNP noon Abril 28.

Isinuko rin ni alyas Jomar ang isang M16 Bushmaster assault rifle sa mga kasundaluhan pagkatapos na siya ay makausap.

Ayon naman kay 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division Commander Maj. General Roberto S. Capulong, “Parami ng parami sa ating mga kababayan ang patuloy na tumatalima sa panawagan tungo sa kapayapaan at kaunlaran kasabay ng patuloy na operasyon kontra sa mga komunistang grupo. Naway magsilbing ehemplo sa iba pang mga rebelde ang pagsuko nina alyas Renyo, alyas Jaz, at alyas Jomar na sumuko rin at iwan ang armadong kilusan upang mapasailalim rin sila sa mga benepisyo at programa ng pamahalaan kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.”

#JungleFighter
#KapayapaanKatahimikanKaunlaran