4 na miyembro ng New People’s Army, boluntaryong sumuko sa Quezon bitbit ang dalawang armas
Kusang loob na sumuko ang apat na miyembro ng New People’s Army bitbit ang dalawang matataas na kalibre ng baril sa pinagsanib pwersa ng AFP at PNP sa General Nakar, Quezon nito lamang Mayo 30.
Sa tulong ng mga kasundaluhan ng 80th Infantry “Steadfast” Battalion, 1st Infantry Battalion, 70th Infantry Battalion at mga kapulisan mula sa mga bayan ng General Nakar, Infanta sa probinsya ng Quezon; Angat at Norzagaray sa probinsya ng Bulacan, ay naging posible ang pagsuko ng apat na NPA members sa Barangay Pagsangahan, General Nakar, Quezon.
Kinilala ang mga ito na sina alyas Alex/Selo at alyas Loren na pawang mga miyembro ng Platun Sentro De Gravidad ng KLG NARCISO ng Southern Tagalog Regional Party Committee’s Sub-Regional Military Area 4A. Habang ang dalawa ay kinilalang sina alyas Francis/Milo at alyas Baba na parehong Milisyang Bayan members sa Brgy Pagsangahan, General Nakar, Quezon.
Parehong isinuko rin ni alyas Selo at alyas Francis ang kanilang M16 rifles sa mga otoridad.
Ayon naman kay 2nd Infantry Division Commander Maj. General Roberto S. Capulong, “Mananatiling nakatuon ang aming operasyon sa pagkamit ng kapayapaan sa probinsya ng Quezon kasama ang mga stakeholders at mga kapulisan upang mawakasan na rin ang insurhensya dito.”
Dagdag pa ni Maj. General Capulong, “Kami ay nananawagan rin sa mga natitira pang rebelde na sumuko at ibaba na ang inyong mga armas dahil handa ang pamahalaan na matulungan at mapasailalim kayo sa mga programa at benepisyo nito upang kayo’y makapag-simulang mamuhay ng normal kasama ang inyong mga pamilya.”
#JungleFighter
#KapayapaanKatahimikanKaunlaran