5 miyembro ng Milisyang Bayan, sumuko bitbit ang isang armas at mga gamit pandigma sa Batangas
CAMP CAPINPIN, Rizal - Boluntaryong sumuko ang limang Milisyang Bayan o MB members bitbit ang isang armas at mga gamit pandigma nito lamang Mayo 12 sa Nasugbu, Batangas.
Kinilala ang mga sumuko na sina alyas Mark, 31 anyos, miyembro ng Eduardo Dagli Command Group ng Southern Tagaloc Regional Party Committee, Sub Regional Military Area 4C, alyas Efren, 47 anyos, Bise-Presidente ng Samahan ng Mandaragat sa Barangay Hukay, Inc. o SMBHI, alyas Bryan, 37 anyos ; alyas Fermin 42, anyos, at alyas Rico, 52 anyos na mga miyembro rin ng SMBHI. Ang lima rin ay pawang mga residente ng Brgy Hukay.
Naging posible naman ang pagsuko ng limang MB dahil sa tulong ng mga kasundaluhan ng 59th Infantry Battalion at Batangas PNP sa Brgy Biliran, Nasugbu, Batangas.
Isinuko rin ng mga ito ang isang Cal. 38 Smith and Wesson pistol at mga bala, dalawang piraso ng 40mm grenade, at mga gamit pampasabog na kinabibilangan ng walong pirasong detonating cords, isang blasting cap, isang black container, wires at ammonium nitrate oil.
Ayon kay 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division Commander Maj. General Roberto S. Capulong, “Kami ay nagpapasalamat sa ating mga kababayan na piniling sumuko at magbalik loob sa pamahalaan. Patuloy rin naming palalakasin ang kampanyang pangkapayaaan ng pamahalaan kasama ang mga pamahalaang lokal, key stakeholders, at mga security partners. Nanawagan rin kami sa mga natitirang rebelde na magbalik loob na sa pamahalaan upang silay makapamuhay ng normal kasama ang kani-kanilang mga pamilya.”
#JungleFighter
#KapayapaanKatahimikanKaunlaran