Bayan ng Tanay, malaya na sa insurhensya

Bayan ng Tanay, malaya na sa insurhensya

Buong pagmamalaking inanunsyo ng 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division, Philippine Army na malaya na sa imluwensya ng insurhensya ang bayan ng Tanay matapos ang isinagawang seremonya sa Tanay Municipal Hall nito lamag Mayo 29.

Pinangunahan ng Tanay Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict  sa pamumuno ni Tanay Mayor Hon. Rafael Tanjuatco, katuwang ang 202nd Infantry "Unifier" Brigade at 80th Infantry "Steadfast" Battalion, ang paglalagda sa Memorandum of Understanding at pagdedeklara bilang Stable Internal Peace and Security o SIPS ng nasabing bayan.

Nakiisa rin sa seremonya sina Vice Mayor Hon. Rex Manuel C Tanjuatco,  National Intelligence Coordinating Agency (NICA) 4A Assistant Regional Director for Operations Mr. Ysmael V Leyva kasama si 2nd District Board Member Hon. Hector Robles na syang kumatawan kay Rizal Provincial Governor Nina Ricci Ynares, 2nd Infantry "Jungle Fighter" Division Commander Maj. Gen. Roberto S Capulong, 202nd Infantry "Unifier" Brigade Commander Brig. Gen. Cerilo C Balaoro Jr., Area Police Command-Southern Luzon Commander PLt. Gen. Rhoderick K Armamento at Rizal Police Provincial Office Provincial Director PCol. Dominic L Baccay.

Parte rin ng seremonya ang paglalagda sa Pledge of Commitment at redeclaration sa CPP-NPA-NDF bilang persona non-grata sa bayan ng Tanay.

Ayon naman kay 2nd Infantry Division Commander Maj. General Roberto S. Capulong, “Ang pagdedeklara ng ‘insurgency free’ sa bayan ng Tanay ay patunay lamang na pwedeng makamit ang kapayapaan at seguridad sa pamamagitan ng pagtutulungan ng ibat ibang sektor ng pamahalaan, komunidad at stakeholders.”

“Ang tagumpay na ito ay simbolo ng patuloy ng katahimikan at magandang kinabukasan hindi lamang sa Tanay kundi sa buon probinsya ng Rizal.” Ani Maj. General Capulong.

#JungleFighter
#KapayapaanKatahimikanKaunlaran