Dating NPA sa Quezon, isinuko ang kanyang armas

Dating NPA sa Quezon, isinuko ang kanyang armas

CAMP CAPINPIN, Rizal – Pormal na isinuko ng isang dating NPA ang kanyang armas nito lamang April 30 sa Lopez, Quezon.

Kinilala ang dating NPA na si alyas Bitoy na miyembro ng Platun Reymark ng Sub-Regional Military Area 4B sa ilalim ng Southern Tagalog Regional Party Committee.

 Isinuko rin nito ang kanyang Cal.38 revolver sa mga kasundaluhan na kanyang itinago simula nang mapahiwalay ito sa Platun Reymark bago ito bumalik sa probinsya ng Quezon nitong Enero 29 ngayong taon.

Ayon naman kay 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division Commander Maj. Gen. Roberto S. Capulong, lubos silang nagpapasalamat sa tiwala ng mga dating rebelde sa ginagawang kampanyang pangkapayapaan at pang kaunlaran ng mga pamahalaang lokal, key stakeholders at mga security forces. Patuloy rin aniya silang nananawagan sa mga natitirang rebelde na sumuko at magbalik loob sa pamahalaan upang mapanatili ang kapayapaan at kaunlaran sa mga komunidad na sakop nila.

#JungleFighter
#KapayapaanKatahimikanKaunlaran