Isang Milisyang Bayan member, sumuko sa Occidental Mindoro bitbit ang mga gamit pandigma

Isang Milisyang Bayan member, sumuko sa Occidental Mindoro bitbit ang mga gamit pandigma

CAMP CAPINPIN, Rizal – Isang miyembro ng Milisyang Bayan ang boluntaryong sumuko sa mga kasundaluhan sa San Jose, Occidental Mindoro nito lamang Mayo 17, 2023.

Kinilala ang sumukong rebelde na si alyas Jay/Jojo na dating MB member mula sa Platoon GMK ng Southern Tagalog Regional Party Committee’s Sub-Regional Military Area 4D. Si alyas Jay ay boluntaryong sumuko sa mga kasundaluhan ng 68th Infantry Battalion sa Barangay Bayotbot sa San Jose, Occidental Mindoro, bitbit ang isang M653 Colt rifle, isang Caliber 45 Armscor pistol, mga bala, mga magazine at isang hand grenade.     

Ayon kay 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division Commander Maj. General Roberto S. Capulong, “Nanatiling nakatuon ang aming pagsisikap na maipagpatuloy ang kampanyang pang-kapayapaan sa probinsya ng Mindoro kasama ang mga pamahalaang lokal at mga security sector. Patuloy din kaming nananawagan sa mga natitirang NPA members na sumuko at suportahan ang mga programa ng gobyerno na makakapagbigay ng kaunlaran at katahimikan sa buong Mindoro.”

#JungleFighter
#KapayapaanKatahimikanKaunlaran