Isang Milisyang Bayan, sumuko bitbit ang armas at gamit pandigma nito sa Quezon

Isang Milisyang Bayan, sumuko bitbit ang armas at gamit pandigma nito sa Quezon

CAMP CAPINPIN, Rizal – Isang Milisyang Bayan member ang boluntaryong sumuko bitbit ang kanyang armas at mga gamit pandigma nito lamang Mayo 3 sa Quezon.

Naging posible ang pagsuko ni alyas Benson na miyembro ng Platun Reymark ng New People’s Army dahil sa tulong ng mga kasundaluhan ng 85th Infantry “Sandiwa Battalion matapos ang isinagawang community visitation sa Macalelon, Quezon. Isinuko rin ni alyas Benson ang isang M16 rifle, isang short magazine, mga bala, at isang hand grenade.

Ibinunyag rin nito na kasama sya sa armadong grupo ng NPA na nag ambush sa mga kasundaluhan ng 85IB noong April 2017 sa Brgy. Cogorin Ibaba, Lopez, Quezon.

Nagpapasalamat naman si 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division Commander Maj. Gen. Roberto S. Capulong dahil sa pagsuko at pag-iwan sa armadong grupo ng ilan sa ating mga kababayan. Patuloy rin aniya silang makikipag-tulungan sa mga pamahalaang lokal, key stakeholders at security partners para sa pagsusulong ng kampanyang pangkapayapaan ng pamahalaan.

Patuloy rin silang nananawagan sa mga natitirang rebelde na sumuko at magbalik loob na sa pamahalaan upang mapasailalim rin ang mga ito sa mga programa ng pamahalaan na makakapagbigay ng tulong sa kanilang mga pamilya.

#JungleFighter
#KapayapaanKatahimikanKaunlaran