Isang NPA lider, boluntaryong sumuko bitbit ang armas sa Occidental Mindoro

Isang NPA lider, boluntaryong sumuko bitbit ang armas sa Occidental Mindoro

CAMP CAPINPIN, Rizal – Boluntaryong sumuko ang isang lider ng NPA bitbit ang kanyang armas sa Magsaysay, Occidental Mindoro nito lamang May 17, 2023.

Sa tulong ng mga kasundaluhan ng 203rd infantry “Bantay Kapayapaan” Brigade at mga kapulisan ng Occidental Mindoro PNP ay naging posible ang pagsuko ni alyas Paul/Andro/Crispin/Nanding bitbit ang isang M16 rifle na may kasamang magazine at mga bala sa Barangay Poblacion, Magsaysay, Occidental Mindoro. Si alyas Paul ang syang finance officer ng Southern Tagalog Regional Party Committee’s Sub-Regional Military Area 4D.

            Ayon kay 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division Commander, Maj. General. Roberto S. Capulong “Patuloy naming isusulong ang kampanyang pangkapayaaan kasama ang mga partner stakeholders upang mawakasan na ang insurhensya sa Occidental Mindoro. Patuloy ring kaming nananawagan sa mga natitirang rebeldeng NPA na sumuko gaya ng ginawa ng mga nauna nilang kasamahan dahil handa ang pamahalaan na tulungan sila sa kanilang pagbabagong buhay kasama ang kanilang mga pamilya”.

#JungleFighter
#KapayapaanKatahimikanKaunlaran