Mga gamit pandigma, narekober matapos ang engkwentro ng mga kasundaluhan laban sa mga NPA sa Oriental Mindoro

Mga gamit pandigma, narekober matapos ang engkwentro ng mga kasundaluhan laban sa mga NPA sa Oriental Mindoro

CAMP CAPINPIN, Rizal – Narekober ng mga kasundaluhan ang gamit pandigma ng mga rebelde matapos ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at NPA sa Bongabong, Oriental Mindoro nito lamang Lunes, Mayo 8.

Habang nagsasagawa ng combat operation ang mga kasundaluhan ng 76th Infantry Battalion at Oriental Mindoro PNP sa Brgy. Tawas sa Bongabong, nang maka-engkwentro ng mga ito ang nasa 15 armadong indibidwal na pinaniniwalaang mga miyembro ng ICM na pinamumunuan ng isang alyas IDA, na syang sekretarya  ng Sub-Regional Military Area 4D sa ilalim ng Southern Tagalog Regional Party Committee ng New People’s Army. Wala namang nasaktan sa tropa ng pamahalaan habang beneberipika pa ang sa panig ng kalaban matapos makitaan ng bakas ng dugo sa pinangyarihan ng engkwentro.

Tumagal naman ng 25 minuto ang sagupaan ng dalawang pwersa na nag resulta sa pagkakarekober ng dalawang M16 rifles, isang M203 Grenade Launcher, dalawang IED’s, mga magazine ng M16, mga bala ng M16 at M203, isang bandolier, tatlong cellphones, personal na kagamitan at mga subersibong dokumento.

Kasalukuyan namang nagpapatuloy ang pursuit operation upang tugisin ang mga nagsitakas na rebelde matapos ang engkwentro.

Ayon naman 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division Commander Maj.Gen. Roberto S. Capulong, Patuloy nilang palalakasin ang pagsasagawa ng focused military operation upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga komunidad laban sa ginagagawang pangingikil at pananamantala ng mga miyembro ng CPP-NPA-NDF. Nanawagan rin ito sa mga natitirang NPA na sumuko at iwan na ang armadong kilusan upang mapasailalim rin kayo sa mga programa ng pamahalaan kasama na ang inyong mga pamilya.

#JungleFighter

#KapayapaanKatahimikanKaunlaran