Pagsasanay ng mga bagong rekrut na candidate soldiers, pormal nang nag umpisa sa 2ID

Pagsasanay ng mga bagong rekrut na candidate soldiers, pormal nang nag umpisa sa 2ID

Pormal nang binuksan ng 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division ang pagsasanay ng mga bagong rekrut na candidate soldiers nito lamang Mayo 17, 2023.

Pinangunahan mismo ni Major General Roberto S Capulong, ang Commander ng  2nd Infantry “Jungle fighter” Division, ang pagbubukas ng Candidate Soldier Course Class 764-2023. Nasa kabuuang 154 na bagong rekrut ang magsasanay, kung saan 8 sa mga ito ay babae habang 146 naman ang lalaki. Sila rin ay sasabak sa labing-anim na linggong Basic Military Training at pitong linggong specialization training na Infantry Orientation Course sa loob ng 2nd Division Training School. 

Layunin ng pagsasanay na maturuan at magabayan ang mga bagong rekrut na maging isang propesyunal na sundalo. Ang mga ito rin ay madedeploy sa iba’t ibang yunit ng 2ID kung saan magagamit nila ang kanilang natutunan sa loob ng training school.

Samantala, saksi naman sa programa sina 2ID Assistant Division Commander Brigadier General Jose Augusto V Villareal; 2nd Division Training School Commandant Lt. Colonel Jericho Sasing, kasama ang general, special at personal staff ng dibisyon at mga kaanak at kaibigan ng mga bagong rekrut.

Ayon naman kay 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division Commander Maj. General Roberto S. Capulong, “Ang espesyal na araw na ito ang simula ng inyong military career. Hindi kayo nagkamali sa pinili ninyong propesyon na makapaglingkod sa bayan sa pinakamarangal na paraan. Nawa’y manatili kayong matatag upang malampasan ninyo ang bawat hamon at pagsubok sa loob ng inyong pagsasanay. Nais ko ring ipaabot sa mga kamag-anak ng mga kandidatong sundalo na ibigay ninyo ang inyong buong suporta upang kayo’y magsilbi nilang inspirasyon upang silay makatapos ng kanilang pagsasanay.”

 

#JungleFighter
#KapayapaanKatahimikanKaunlaran